OFW- ANINO NG ISANG PANGARAP.
ANINO NG ISANG OFW Bawat tao ay may kanya-kanyang replika na sumasalamin sa tunay na kalagayan ng buhay meron siya. Maaaring ito'y kagandahang loob o kasamaan, o di kaya'y kababawan sa pag-iisip o katalinuhan, maaari ding kayamanan o kahirapan. Ikaw, alam mo ba kung anong replika meron ka sa buhay mo ngayon. Basahin mo lang ang kwentong ito. Ito ay replika ng isang taong nangarap magkaroon ng magandang buhay. Gaano man kadilim ang gabing bumabalot sa pagkatao mo ngayon, wag kang padadaig sa bawat hamon ng unos ng buhay mo. Dahil kahit gaano man kalakas ang bagyong humahampas ngayon sa iyong isip at damdamin, handa mang dumurog ng mga pangarap mo ang bagsik ng kanyang galamay, ay dadating at dadating ang isang bagong umaga upang pawiin at ilawan ang lahat ng sulok ng buhay mo. Laging nakahanda ang isang bukang liwayway na magbibigay liwanag at magpapaningning ng bawat sandali ng buhay mo. Lupaypay man ang mga balikat mo ngayon dahil sa bigat ng mundong