OFW- ANINO NG ISANG PANGARAP.

             ANINO NG ISANG OFW

Bawat tao ay may kanya-kanyang replika na sumasalamin sa tunay na kalagayan ng buhay meron siya. Maaaring ito'y kagandahang loob o kasamaan, o di kaya'y kababawan sa pag-iisip o katalinuhan, maaari ding kayamanan o kahirapan. Ikaw, alam mo ba kung anong replika meron ka sa buhay mo ngayon.
Basahin mo lang ang kwentong ito. Ito ay replika ng isang taong nangarap magkaroon ng magandang buhay.

Gaano man kadilim ang gabing bumabalot sa pagkatao mo ngayon, wag kang padadaig sa bawat hamon ng unos ng buhay mo. Dahil kahit gaano man kalakas ang bagyong humahampas ngayon sa iyong isip at damdamin, handa mang dumurog ng mga pangarap mo ang bagsik ng kanyang galamay, ay dadating at dadating ang isang bagong umaga upang pawiin at ilawan ang lahat ng sulok ng buhay mo. Laging nakahanda ang isang bukang liwayway na  magbibigay liwanag at magpapaningning ng bawat sandali ng buhay mo. Lupaypay man ang mga balikat mo ngayon dahil sa bigat ng mundong pasan-pasan mo. Darating ang araw ay sisikat ang isang naglalagablab na liwayway at hindi na ulit uulanin pa ang iyong mga pangarap.

Magtiwala ka sa iyong mga kakayahan. Maging mapanuklas sa mga bagong kaalaman dahil ang isa sa mga sekreto ng pagiging matagumpay ay ang pagiging maalam sa maraming bagay. Bukod sa pagtuklas ng mga bagong kaalaman na ikaaasenso ng buhay mo ay gumawa ka ng plano, A BLUE PRINT  na nagsasaad kung ano ang una at susunod  mong gagawin. Isa-isa mong gagawin ang mga iginuhit mong plano at hakbang para organisado at hindi ka mahirapan sa pag-abot ng ningning ng iyong tagumpay. Lagi lang tatandaan na lahat ng tagumpay ay nakakamit lamang kung ito’y sasabayan ng paghakbang at pagkilos upang maisakatuparan ang inaasam na magandang buhay…



PAGPAPAKAHIRAP DAHIL SA PANGARAP.
Ang gabi at dilim ay sagisag ng isang problema na pasan-pasan mo araw-araw. Problemang Emotional at Financial ang laging bumabagabag sa puso’t isipan ng tao. Gamitin mo ang dakilang ilaw na nasa taas na laging handang  gumabay at magpagaan ng loob ng sangkatauhan sa mundo. Damhin at iwagayway  mo ang Kanyang walang kapantay na liwanag at ilawan mo ang buhay mo upang mapawi ang kadiliman at kamalasan na nakapatong sa mga balikat mo.

Natanong mo na ba sa sarili mo kung paano mo malalampasan ang mga problemang nakaharang sa dinadaanan mo? Financial ba ang nagpapalala sa problema mo? Oo,tama ka. Financial problem ang higit na bumabalot sa puso at isipan ng bawat tao. Kaya nga nag-abroad ang iba dahil na rin sa isang pangarap at higit sa lahat ay kinakapos ang sahod nila sa pilipinas.

Ngunit ang tanong, sapat na ba ang pag-aabroad o pagiging OFW para matugunan ang kahirapan? Marami ang nagsasabing "oo". Alam nyo po ba na sa likod ng anino ng bawat taong nangingibang bansa para makipagsapalaran alang-alang sa magandang kinabukasan ng pamilya, sila mismo ay nawawalan ng pera sa bulsa at kung meron man ay panggastos na lang sa araw-araw makatawid lang sa susunod na sahod. Ganun ba ang buhay na ginusto nila ang magtrabaho at magpakapagod buong araw para lang makapagpadala sa mga naiwan sa pilipinas. Malamang ay hindi lang yan ang dahilan…

Pagkasahod ng isang OFW ay ipinapadala na nila sa mga pamilaya nila sa pilipinas ang kinita nila sa loob ng isang bwan. Di po ba’t  naglaho na agad ang pera sa mga kamay nila? Masakit man isipin ngunit yan ang katotohanan. Nagpapakahirap at nagpapakapagod sila, ginagawang araw ang gabi para lang sa kakapirangot na overtime pay madagdagan lamang ang perang ipapadala sa sunod na sahuran. Ang ilan sa  sa mga pamilyang iniwan ng isang OFW sa pilipinas ay minsan hindi man lamang  pinapahalagahan ang bawat peso na ipinadala ng nag-aabroad. Winawaldas pa ito at ginagamit sa mga masamang Gawain. Hindi ba’t dapat gawing makabuluhan ang bawat perang tinanggap mo sa kapamilyang nagkipagsapalaran sa ibang bansa dahil bawat hibla ng perang papel na tinatanggap kada bwan ay minsan buhay ang kapalit..

Anino ng kapalaran bahagi ka nga ba sa buhay ng bawat OFW na nakikipag-buno sa hamon at hagupit ng madilim na mundo global crisis? Ano nga ba ang iyong maibibigay para maglaho ang bawat hinanakit ng puso ng isang inang nauuhaw sa yakap ng isang anak na nangangailangan ng pag-aaruga at pagkalinga para lamang lumaki at lumakad sa tamang landas ng buhay? Ikaw ba ay nasa likod ng bawat OFW para bantayan at gabayan ng tamang gawain at tahakin ang tamang landas?  Malayo sa tukso at  bugso ng damdamin. O nasa likod ka nila para itulak sila sa isang panganib at  kapahamakan….?

KAPAHAMAKAN BA o isang tagumpay




Si Roderick ay isang OFW sa  South Korea at nagtatrabaho bilang CNC Machine Operator sa isang pabrika. Masipag at masayahing tao. Bukang bibig nya ay ang magandang kinabukasan ng kanyang pamilya: Mataas na edukasyon para sa mga bata, magandang bahay at buong pamilya. Natupad kaya nya ang mga magagandang planong ito para sa kanyang pamilya? Sinubok ang kanyang buhay ng ANINO ng OFW. Isang araw ay dinurog ng anino ang kanyang mga pangarap. Ang tayog ng mga pangarap nya ay gumuho sa isang iglap. Nalaman nya na ang asawa nya ay sumama na sa ibang lalake. Lumipas ang ilang araw, hindi nya nakayanan ang bigat ng stress at depression na bumalot sa buhay nya. Nagkasakit sya at unti-unting nanghina.

Ipinagamot pa naman sya ng kanyang amo at ang findings ng doctor ay simpleng lagnat lang naman daw. Ngunit kung gaano ka simpleng lagnat lang ang nakita ng doctor sa kanya, ay nagkukubli ang isang dambuhalang unos na  humahambalos sa puso nya. Napakalaki at Napakabigat na mundong dumagan sa puso't isipan nya. Isang pinakamamahal na asawang nagtaksil, isang magandang bahay na Matitirahan ng buo at masayang pamilya, at mataas na edukasyon ng mga anak. Lahat ng ito ay gumuho, naglaho at inanod ng alon ng buhay nya.  Nagisnan na lang sya ng kasama nya sa kwarto na isa na syang bangkay. Kasabay ng pagguho ng mga pangarap nya ay nawala rin ang buhay nya….

Malaki ang naipon na abuloy para sa kanya mula sa ibat- ibang ahenysa, simbahan, sa kompanyang pinagtrabahoan nya, Insurance  at sa mga OFW na malapit lang sa kanila. Ayon sa simbahan na humawak sa abuloy nya ay umabot ito ng mahigit kalahating milyon kung icoconvert sa peso. Oo, malaki ang isang kalahating milyong abuloy ngunit ano naman ang halaga nito kung di naman ito mapapakinabangan ng OFW na nagpakahirap para lang mabigyan ng magandang kapalaran ang pamilya…

Isang lang ito sa mga halimbawa ng  mga OFW na pinagkaitan ng tadhana. Ito minsan ang nagiging kapalit ng pananarabaho sa ibang bansa. Dahil malayo ang mag-asawa sa isat-isa, dapat mas lalo pang pagtibayin at palakasin ang pundasyon ng pamilya. Mas lalo pang panatilihin ang tiwala sa isat-isa dahil kapag wala  ang  Spirit of Trust sa bawat isa ay babagsak at guguho ang templo ng pamilya. Mahirap labanan ang tukso ngunit kayang iwasan kung bibigyan mo ng puwang ang Espirito ng Dyos sa buhay mo. Walang sinumang tagapagbantay ang hihigit sa KANYA…

KAGINHAWAAN  NGA  BA  O  PAGBABANAT  NG BUTO  LAMANG  ANG  LAHAT?



Bakit nga ba kailangan pang mangibang bansa, magpakapagod at magserbisyo sa ibang tao? Batid naman ng bawat isa na kapagkananarabaho sa ibang Nasyon  ay nagbabadya ang kapahamakan. Oo, hindi naman sa lahat ng oras at panahon ay sinusubok ng kamalasan ang isang OFW. Meron din namang guminhawa ang buhay at nagkaroon ng kabuluhan ang pakikipagsapalaran nila doon. Pero sa kabila ng pagiging buo ang pamilya dito sa pilipinas at masayang pinagsasaluhan ang pagkakain sa hapagkainan, umaalis pa rin ang ilan para lang magbanat ng buto sa ibang bansa. Bakit kaya…?

Malamang dahil sa SITWASYON at INTENSYON. Tama po ang nabasa nyo. Itong dalawang salita na ito ang dahilan kung bakit nakikipagsapalaran ang mga Pilipino sa ibang bansa.

SITWASYON- Nangunguna na rito ang sitwasyon ng kahirapan. Gusto nilang mag-abroad dahil alam nilang may magandang kinabukasang nag-aantay sa kanila doon. Nakatatak sa bawat isipan ng tao na giginhawa ang buhay nila kung makakapag-abraod sila. Ganun at ganun lagi ang nasa isip ng tao: Kawalan ng kabuhayan at pag-ahon mula sa kahirapan, Mga pangarap at ambition na gustong bigyan ng katuparan. Hindi alintana kung anumang panganib ang nag-aantay, dahil tanging ang negatibong pag-iisip lamang ang nagbibigay ng masamang larawan na may nag-aabang na panganib doon sa pupuntahan..

INTENSYON- Mga anak na nag-aaral, mga kapatid na nangangailangan ng tulong para din makatapos sa pag-aaral, mga magulang na may sakit, gamot dito gamot doon. Magandang bahay na matitirahan na kung saan ay masayang nagsasalo-salong kumakain ang buong pamilya. Lupang masasaka at matataniman at mapagkukunan ng pagkain pagdating ng panahon. Ilan lamang ito sa mga simpleng intension ng isang OFW kaya sya nakikipagbuno sa hagupit ng kapalaran maisakatuparan lang ang mga pangarap..

Hanggang ganito na lang ba umiikot ang buhay ng isang OFW. Pagkatapos ng mahabang panahon na pananarabaho sa ibang bansa ay magbabakasyon. At dahil marami ang nag-aabang  na taong umaasa, gastos dito, gastos doon. Hindi na napapansin ng OFW na paubos na pala ang perang pinag-abroadan nya. At pagkalipas ng maiksing panahong pamamalagi kasama ang pamilya ay babalik na naman sa abroad upang magbanat na ulit na buto…


Inaanyayahan ko po kayo mga kaibigan na pasyalan nyo ako minsan sa Facebook ko at mag-usap po tayo tungkol sa business at sa iba pang mga magagandang bagay.. 
Kung sakaling nakapagbigay ako sa inyo ng konting kaalaman sa pamamagitan ng simpleng mensaheng ito ay Wag lang po sana kayong mag-atubiling magtanong at mag-comment. Lahat po ng comments ay very much welcome…

NOTE: Si Roderick po na OFW na nasawi sa South Korea, na binanggit ko sa taas ay kasama ko po sa trabaho. Totoong buhay po ang ikwenento ko sa inyo…
Maraming salamat po sa inyong lahat and God bLess to all…
Hanggang sa muling pagbabasa ng mga kwento ng buhay...

To Your Success
Rey Bade
Former OFW / Affiliate Marketer

King Solomon reminded us one important principle of money management, "Dishonest money dwindles away, but whoever gathers money little by little makes it grow” (Proverbs 13:11).

Comments

Popular posts from this blog

HOW CORNED BEEF IS MADE IN THE FACTORY

TIPS FOR PINOY OFW. HOW TO MAKE MONEY AT HOME

HOW TO EARN $100.00+ A DAY Just Removing Picture Background W /O Photoshop